Friday, June 5, 2015

CURLY DRAKE’S
Poem Page


ROXIE
(by: Curly Drake)

Every night when I am alone,
I take a look at my cellphone
Pictures of you girl, you're awesome,
You gave my heart a warm welcome

When I touch your hair, it's like silk,
I remember the time we drink milk
Away from work we hope we recover,
But for me I wished to be your tail forever

Then a question sprouts on my mind..
"What can you say about it?"
Knowing that you are one of a kind,
How can I forget it?

Delighted for I am in your universe,
My little lonely world on full reverse
I'm out of my shell, cause you're so sweet,
Wanting to see your smile, dancing on the beat

Then a question sprouts on my mind..
"What can you say about it?"
Knowing that you are one of a kind,
How can I forget it?

You helped me more to grow,
And I will always be your shadow
You cheered me when I fight,
And I will always be your flashlight
You soothe me with your a capella,
And I will always be your umbrella
You hugged me like a gift,
And I will always give you a lift

CURLY DRAKE’S
Compilation Block

Mga Dyahero sa Pasahero

Sa loob lamang ng dalawang araw ay may nakaengkwentro na naman akong mga ubod ng dugas na mga tsuper.

Normal na ito sa Pilipinas. Nakakainit ng dugo. Usapang pasahe lang, maliit na bagay sa iba, pero ang pagiging matapat na mamamayan ang usapin sa pagkakataong ito.

Papaano na lang kung talagang sakto ang bayad mo papauwi sa hirap ng buhay ngayon?

Maaaring oo hirap din sila sa buhay, ngunit hindi din naman tama na mandudugas ka para umunlad. 

Heto ang iilan lamang sa karanasan ko ngayon sa nakalipas na mga araw.

TOTOO O LOKO?


Bababa na sana ako at pinahinto na ang taxi

Lon: Kuya bayad ko (Nagbigay ng P120 at sadyang sakto din ang pera)
Taxi D: (Napatigil) Wala na pong -10 ngayon, nagtaas po ulit ang gas
Lon: Ahh ganun ba? Hindi ako nakanood ng balita (Sabay dagdag ng kung anong barya madukot sa wallet)
Taxi D: (Walang imik)

Kinabukasan, wala naman palang ganoong balita at aking napagtanto, naloko ako.

DITO O DOON?


Lon: Pasay po tayo
Taxi D: (Mag-Uu-turn)
Lon: Opps opps kuya diretso tayo, malayo dyan
Taxi D: (Naghang time) Dito tayo dadaan
Lon: Dito po tayo... diretso na mas malapit.
Taxi D: Gusto niyo sa Edsa na lang dumaan?
Lon: Dito nga po sa Airport ang daan
Taxi D: Sa Bayani Road na lang tapos C5?
Lon: (Dumidiskarte to, malayo gusto daanan para patak sa metro) Hindi kuya bababa na lang kami. Bababa na kami! 
Taxi D: Bakit?
Lon: Mas marunong pa kayo sa gusto daanan ng pasehero niyo e!

Ayun, sayang ang ipinila ni Kuya sa McKinley dahil sa kadugasan attempt niya

50 O 200?


Taxi D1: (Nagtanong habang nakaabang ako) Boss, san ka? 
Lon: Sa Mandaluyong po (sabay sabi ng address ko) 
Taxi D1: Saan yun?
Lon: Dun po sa ano.. turo ko po sa inyo (Nagmamaang maangan ata to a)
Taxi D1: O sige i-plus 50 mo na lang.. Tara na.
Lon: Huh? Plus 200 na lang kuya. nabababaan ako sa tawad mo e (habang palayo) Ano 200? 200?
Taxi D1: (Nakatunog ata at parang naoffend sa sinabi ko) Ayy hindi hindi na tara na wala na dagdag.
Lon: (Sabay para sa kasunod na taxi) 
Taxi D2: Bakit ano yun? Di ka pinara? 
Lon: Naniningil ng sobra sobra e +50 daw. Teka kuya ihinto mo po sandali may sasabihin lang ako sa kanya
Taxi D2: Bakit? ano yun? 
Lon: Bigyan ko lang ng greeting!

Lon: Boss!!! (Tinawag si Taxi D1)
Taxi D1: (Napatingin ang mandurugas)
Lon: (Habang nasa kabilang taxi, binuksan ang bintana) Boss!!! Plus 200 gusto mo?
Ano 200? 200?
Taxi D1: ... (Walang imik at pinagtitinginan ng tao, nagtataka at mukhang tatanungin siya ng mga iyon)

10 MO O RESIBO?


Lon: Dito na lang po ako bababa sa kanto lang po, kuya may resibo po kayo, saka may 10 pesos po kayo? (Dahil masyado sobra ang maibabayad)
Taxi D: (Angas mode) Kapag may -10 yan di kita issuehan ng resibo (Angas mode)
Lon: (Sobra pa nga yung ibabayad ko pag nagbigay siya ng sukli) Ano gagawin ko? 
Taxi D: (Nagmamatigas) ... (Nakatingin lang sa labas at hawak ang resibo)
Lon: E ano nga gagawin ko? 
Taxi D: Masyado ka namang ano, akin na akin na
Lon: Hoy! Pasahero mo ako ha parang binabastos mo ko ha. Maaangas na kayong mga taxi driver kayu ah! (sabay baba at hindi sinara ang pintuan)

Tumayo ako sa kanto at tinititigan siya (advantage teritoryo ko pala) 

Taxi D: (ngiwi at pinaatras ang sasakyan) 


Bonus (Jeep mode)

SUKLI O MALI?


Sa inaraw araw na nagbabayad ako ng P8. Walang isinusukli ang karamihan sa mga tsuper ng jeep na puno ng integridad.
Sa maliit na 50 sentimos lang ay natutukso na silang kurakutin, paano pa kaya sa pamahalaang mas malaki ang usapan sa pera?
Pero back to jeepney mode.

Lon: Sukli ko kuya?
Jeep D: Magkano ba binigay mo?
Lon: Otso. yung 50 cents ko? 

(Magmumukha akong walang patawad sa sentimos, pero hindi, pagiging mabuting mamamayan ang usapan dito. May 50 cents siya sa lalagyan niya, 
bakit hindi manukli ng tama?)

At sa 4-6 sakay ako araw araw. Bilangin sa isang taon kung magkano ang mabibigay mo sa mga madadayang ito?

Jeep D: May 50 cents ka? (Galit pa magtanong)
Lon: Edi sana 7.50 binigay ko kuya. suklian niyo naman kami ng tama.


Tsk tsk.. Dugas mode kahit sa pinaka maliit na unit ng lipunan sa bansa natin. Walang disiplina talaga. Nakakalungkot na kung sa ganito kaliit lamang ay nagkakaganito na.. 

Papaano nga ba talaga kung sa pamahalaan na ang usapan? Malakihang pera ang usapin doon.

Ngayon, maniniwala at magtitiwala pa ba tayo sa mga katulad nila?


Tuesday, June 2, 2015

CURLY DRAKE’S
Compilation Block

Ang 15 Anti-Politikong mga Meme na Inilimbag ni Curly Drake


Tanggap na natin sa lipunan na merong "Pulitika". Ito ay isang laro na kung saan ang mga kasali ay sadyang halang ang bituka. Binubuo ng mga Pulitisyan o Pulpolitiko (kung mahina ang kakayanan at sa ganitong paraan na lang umaasa para umangat ang estado ng pamumuhay). Sila'y handang bumira ng kapwa para sa ikabubuti ng kanilang malupit na mala-elitistang pangangailangan gamit ang kani-kanilang masasamang istratehiya at pamamaraan. 

Kanya-kanya raw yan. Yun ang dakilang paniniwala ng mga Pulitisyan o Pulpolitiko na kahit ano na lang ang ipakain nila sa kanilang mga kamag-anak ay ok lang basta buhay. Ngunit ang kanilang bunga, magiging bunga sa susunod na henerasyon nila ang maaaring magdusa (kung hindi matanggap) o gumaya (kung akala nila ay tama) sa mga kakaibang diskarte sa panlalamang na ikinakagisnan.

Ngunit sa mga ganitong bagay, mayroong sisita! Ang mga Anti-pulitikong katulad natin ay hindi mag-papaapi. Tayo ay lilimbag ng makasaysayang kasulatan na dudurog sa mga maiitim ang budhing walang habas na mangbabastos at manghahamak ng mga kapwa sa kapaligiran.

Simple lang...

Banat tayo ng kaunting kanilang masisiyahang basahin kung yung sakaling sila ay mapadpad sa bakuran nating walang kasing-saya.

Ito ang 15 sa mga inilimbag kong malulupit na Meme "Punch Lines" na pangontra, sa sari-saring katauhan o diskarte ng mga Pulpolitiko, na maaaring walang kwenta sa mga walang konsensya, ngunit nararapat na tumatak sa pagmamaang-maangan nilang walang kasing halata. 

Pasintabi: Nag-tagalog ako sa intro ngunit maraming Ingles na "Punch Line" pero ok lang yun, Kaya niyo na yan. Wala akong sasabihin lugar, hulaan niyo na lang at baka sa paligid niyo din matatagpuan.


Tayo na't sapakin sila!

Meme 1 - Para sa mga: "Hala-ka-Halata"
Para sa pinakahalatang maninipsip sa harap ng maraming tao. Yung madalas pumuri sa kataas-taasang pinuno nila. Hulkamania ang bahala sa iyo.




Meme 2 - Para sa mga: "Batas Mangmang"
Sa mga hindi nagbabasa ng mga balita sa pulitika. Baka lang, masindak kayo kahit "hoax" lang ang bagong batas. Will Ferrell para sayo.




Meme 3 - Para sa mga: "Epalites"
Sa mga Super-Bibo na wala sa lugar para magpapansin. Mr. Bean para sa iyo.




Meme 4 - Para sa mga: "Ambisyosong Duwag"
Para sa mga ambisyosong duwag na medyo desperado at malisyoso. Mr. Bean ulit!




Meme 5 - Para sa mga: "GaWala"
Sa mga buong-pwersang sumipsip ngunit hindi umubra ang taktika. Si Boy Shocker para sa iyo.




Meme 6 - Para sa mga: "Pilitista"
Sa nakikibagay sa mga Elitistang Kuno na mga pinuno, para magmukhang Elite din kahit hindi naman. "Blending mode" para makapuntos sa pagsipsip. Mr. Bean banat ulit.




Meme 7 - Para sa mga: "Imbentunwari"
Sa mga Imbentor ng bagong paraan sa pagpapasaya sa kanilang pinuno. Ngunit sabihin na nating hindi tapat kung bakit ginagawa iyon. Mr. Bean, namumuro na! 




Meme 8 - Para sa mga: "Tapakeros"
Sa mga Tapakero. Sagasa-sagasa sa mga mas mabababa. Mga mahilig manamantala-taya at mang-exploit sa trabaho. Maglokohan muna kayo ni Joker. 




Meme 9 - Para sa mga: "Sisi-ritsit"
Sa mga Pulitikong Pribado ngunit mahilig manisi sa pamumulitika ng gobyerno. Black Propaganda muna sayo!




Meme 10 - Para sa mga: "Pauso-loaders"
Sa mga Pasaloader ng hindi mo naman talaga trabaho ngunit magaling magpauso at kanilang kapakanan lang din ang mabebenepisyuhan. Keanu Reeves pasok!




Meme 11 - Para sa mga: "Uber-prenly"
Sa mga User-Friendly sa pag-akyat ng hagdan. Kaibiganin muna si Chuck Norris.




Meme 12 - Para sa mga: "Powabulis"
Sa mga "Power Bullies" sa pagsisinungaling. Ipaliwanag mo muna kay Giorgio Tsoukalos kung kasama ka sa "Alien Invasion"




Meme 13 - Para sa mga: "Sugatopers"
Sa mga "Sugar Toppers" sa pagsisinungaling. Ipaliwanag mo uli kay Giorgio Tsoukalos kung kasama ka sa "Alien Invasion"




Meme 14 - Para sa mga: "Boss 'en Asskisser Tandem"
Sa mga Tambalang Sabwatan. Pinuno at alipores na sumbong, tsismis ang puhunan. Balik ka sa kalaban sa fairy tales. Patinginin sila sa salamin upang makita si Cruella De Vil at Ursula.




At ang panapos natin o Finishing Move...

Meme 15 - Para sa mga: "Sige-Lamprey"
Sa Groupie o Selfie mong makasabay o makasalubong. Ngiting sipsip ay magdudulot sa kanila ng karagdagang mga ngipin. Nakakatakot lamang sila ngumiti. Para sa kanila "Say Cheese!" 




Medyo may karamihan ang na-ilimbag. Ngunit, maaari ding isang tao lang ang nagtataglay sa lahat ng mga ito. Posible pero mahihirapan makabangon sa 15 Punches na pinakawalan natin ngayon. Depende na lang kung wala talagang kasing-bangis ay wala nang magagawa ang mga katulad ng ganito.

Maaari pang magbago ang mundo. Magkakaroon din yan ng balanse. Mauubos din ang katulad nila. Punch Line pa dyan mga tohl!

Sunday, September 21, 2014

CURLY DRAKE’S
Poem Page



SILANG MGA NAMAMAHALA
Maikling Tula para sa mga Kilala mong Kurakot ng Lipunan
(ni: Kapitan Tago)

Chorus:

 Para sa mga namamahala,
Asa kang hindi namin halata(2x)

I

At kung pamamahala mo'y napupuna,
Itatapon mo sila gamit pulitika,
Hindi ka naman talaga magaling,
Ngunit alipores mo sadyang humaling.
(Chorus)

II

Hindi patas ang pagtingin sa lipunan,
Lahat ng isip-tama ay iyong kalaban,
Saan ka kaya pupulutin?
Si karma pa yata iyong hahabulin.
(Chorus)

III

At ikaw, kilala kita,
Magaling lang din na mang-sita,
Pribado o pampublikong opisina lang ata ang buhay mo,
Ayan ba ang ituturo mo sa pamilya mo?
(Chorus)


Repeat Chorus

Tuesday, June 10, 2014

CURLY DRAKE’S
Compilation Block

The Urban Escapades

Makati-Mandaluyong Bridge, from Aksyon Aksaya segment below
Sari-saring istorya, iba-ibang tagpo. Kinuha sa taun-taong posts sa facebook ng may akdang si Curly Drake. Maki-relate at mag-enjoy. Lahat ng kwento ay pawang katotohanan at hindi biru-biruan.


THE UBER-PRICING
September 26, 2010

Sa sakayan ng Taxi sa Megamall
Taxi Driver: Boss, san kayo?
Lon: Dyan lang po sa may Mandaluyong City Hall.
Taxi Driver: Baka pwede P250 niyo na lang?
Lon: Sige… Sige… Sa jeep na lang ako sasakay!
Taxi Driver: P150 na lang Boss!
Lon: Asa ka!


ATIN ANG LANGHAP SARAP
October 8, 2010

Yung hangin sa taxi ay nakasusulasok.
Ngunit yung driver na nagpalabas ng hindi maipaliwanag na amoy ang naghahabol ng hininga.
Parang bibigay na siya, parang nagkasakit bigla sa puso.


AMNESIA
May 8, 2011

Sa loob ng FX…
Lon: Ma, pabuksan po yung aircon.
FX Driver: Sorry nakalimutan ko.

Matapos makapagbayad
Lon: Ma, sukli ko sa P50? P20 lang po bayad diba?
FX Driver: Sorry nakalimutan ko, teka gas muna tayo.

Maya-maya nakalimutan magpa-gas
FX Driver: Eto P20, mamaya na yung P10

Maya-maya pa
Lon: Ma, yung P10 ko po? Bababa na ko.
FX Driver: Diba sabi ko bigyan mo ako ng P10???
Lon: Ang labo… Ma, P50 minus P20 equals P30 po
FX Driver: O! Sige na sige na!
Lon: Para!

Sa Jeep…
Lon: Para.
Jeep Driver: Boss, bayad mo?
Lon: Ay! Sorry nakalimutan ko po.

Yun lang.. Nakakahawa pala!


TINGIN SINGKIT
May 20, 2011


Sa oras na sumasakay ako ng taxi, parating tinatanong ng driver ang nationality ko. Isa lang ito sa malalang tanong at kanina lang.

Taxi Driver: Boss, half-Pinoy – half-Chinese ka ano?
Lon: ---------
Taxi Driver: Tama po ba ako?
Lon: Ahh! Ano ho? Wala akong lahing Chinese.
Taxi Driver: Whoa!? Mukha kang Chinese e.
Lon: Waaaa! Manong, nakapikit lang kasi ako. Nakaka-antok, alas dose na e.


THE “WANDER”DOG
June 18, 2011

Napaka-weirdo na naman ng nasaksihan ko.

Aso na nagcocommute.
Pinahinto ang jeep na sinasakyan ko.
Pumasok at umupo sa dulo.

Buti na lang wala itong dalang perang pamasahe, kaya’t pinababa kaagad ng driver.
Kung meron siguro, baka mas lalo akong nagulantang.


CHOOSY TAXI VS TAXI BULLY*
December 15, 2011


Lon: Boss, McKinley po.
Taxi Driver 1: Dito lang ako sa Makati nagbibiyahe!
Lon: (Badtrip to a!) Sana jeep na lang pinasada mo!

Lon: Boss, McKinley po.
Taxi Driver 2: Hindi na.. (Sabay turo sa ibang direksyon)

Lon: Boss, McKinley po.
Taxi Driver 3: Sir, may susunduin pa po ako…

Lon: Boss, McKinley po.
Taxi Driver 4: (Umiling lang)

Napagdesisyunan na lang na lakarin ang Makati – Forbes, walang ma-parang taxi. Biglang nakakita ng walang laman.

Lon: Boss, McKinley po.
Taxi Driver 5: Hindi Sir. Pa-Mandaluyong ako
Lon: Pare-pareho kayo ha!!! Hindi!!! (Sabay sakay)

Lon: Ihatid mo ako sa McKinley! Ugali niyo ha!
Taxi Driver 5: Sir, padagdagan na lang.
Lon: Di pwede yung ganun! Ihatid mo ko! Problem???


ELECTRO DAW
May 11, 2012

May Special Powers daw si Manong Taxi Driver…
Nakaka-Electrocute daw siya ng pasahero niya…
Tatlong beses na daw siyang tinakbuhan dahil dun…

Parang tinatakot niya ako…
Kaya sabi ko sa kanya… May Special Powers din ako…
Kaya hindi niya ako ma-jojoketime ngayon…

Nagkahamunan… Pag-abot ng bayad… Walang kuryente!!!
Sino nanalo at bakit? Hahaha!


INSTANT BIBLE STUDY
May 11, 2012


Naging maayos ang takbo.
Sapagkat Bibliya ang sumasagot.
Sa lahat ng aking katanungan, na aking ibinato.
Dating Daan pala si Kuya Driver…


QUITS LANG!
July 20, 2012


Taxi Driver: Boss, saan kayo?
Lon: Taguig.
Taxi Driver: Mmmmmmedyo trapik dun.. Plus P20 na lang!
Lon: Hmmmmmmm….

Lon: Ayy teka! Basa yung sahig sa loob o! Minus P20!
Taxi Driver: ----------
Lon: Lugi pa din… Papara na lang ako ulit ng iba.


AKSYON AKSAYA*
August 24, 2012


Nabundol ng Taxi B ang Taxi A na sinasakyan ko.

Taxi Driver A: (Bumaba at kinausap si Taxi Driver B) Mali ka e!!! Bakit ka kumakanan, e pakaliwa ka!!!
Taxi Driver B: (Patay malisya) Kasalanan mo e!!
Taxi Driver A: Kitang-kita naman na ikaw ang bumangga!

Umalis bigla si Taxi Driver B

Taxi Driver A: HOOOOYYYY!!! Bumalik ka dito!!!

Taxi Driver A: Hahabulin ko to! Di ako papayag ng ganun!

Biglang ragasa ng takbo.

Lon: Teka! Teka! Sakay niyo pa ako e! Bababa na ko!

Nasa tulay pala.. Saan ako pupulutin pag bumaba ako?

Taxi Driver A: Loko to! Aabutan ko din to!!! (Hindi inintinding may pasahero pa siya)

Tuloy ang car chase sa Mandaluyong at hindi ko alam kung ano na?
Tatalon na ba ako palabas na parang action star?

Lon: Bababa na ko.
Taxi Driver A: Bayad mo boss???
Lon: Huh!!!! Problema ko nga pano ako sasakay ulit pauwi e!

Sumakay ulit, baka may lugar na mababaan.

Lon: Sige! Habulin niyo na ulit, sasakay muna ako dito. Hahanap ako ng ligtas na bababaan.

Lon: MANONG!!!! May Jeep!!!! Whew! Muntik na tayo mabangga!

Tuloy pa din ang car chase na para na akong hostage sa loob.
Taxi Driver A: San ka ba bababa? Teka cut-in ko lang to!
Lon: Sa simbahan na lang na madadaanan! (Sabay dasal)
Taxi Driver A: (Naabutan ang Taxi Driver B) Hoy!!! Ano na to?!?!?!
Taxi Driver B: ----------

Sa simbahan..
Lon: Balikan niyo ako dito, sige habulin niyo na lang mag-isa!!!
Taxi Driver A: OK! Dalian mo na!
Lon: OK! Bayaran po kita pagbalik mo dito.

Ang akala ng mga tao ay tinakasan ko ang driver.
Na-cut ni Taxi Driver A si Taxi Driver B, nabalin sa kanila ang atensyon ng mga tao.

Sa kasamaang palad.. Nakatakas na naman si Taxi Driver B at nagpatuloy ang habulan pa-Maynila.

Matapos ang sampung minuto, tuloy pa din ang car chase.
Lon: Uwi na ako. Wala na to! Whew! May tryke na dito.

Tanong: Ano ang nangyari? Nagkaubusan kaya ng gasolina? Ano ang ending? Sayang hindi ko nalaman…


SIRANG PLAKA
October 4, 2013

May butas ang gulong ng taxi ni Manong at siya ay kabado.

Taxi Driver: San ba kayo?
Lon: Mandaluyong po.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Malayo pa.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Medyo malayo pa.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Medyo.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Medyo malapit na.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Medyo.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Dito na malapit
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Ayan. Dyan na po sa tabi. Ingat po kayo. Medyo delikado na sa biyahe niyan.

Paguwi ng bahay…
Malapit na ba?
Malapit na ba?
Malapit na ba?
Yun lang! May naririnig pa din, wala namang tao.. Antok lang to…


BARYADOR
October 13, 2013


Kanina sa Jeep…
Lon: Bayad po.
Jeep Driver: Baka may P8 ka na lang dyan?

Sa Dunkin Donuts…
Lon: Ate, bayad.
Ate: Sir, pahingi na lang po ng P3

Sa Breadtalk…
Lon: Miss, bayad ko po.
Cashier: Sir, baka may P7 ka dyan?

Sa Hypermarket…
Lon: Ate, bayad ko.
Cashier: Sir, may P5 kayo?

Sa Bus…
Lon: Boss, Coastal lang po.
Conductor: Pahingi ako P2 dyan.

Nagkataon lang siguro. O sige, magdadala na lang ako ng alakansya sa susunod.
Mukha siguro ako naghohoard ng barya…


TUBIG AT WIKA
November 25, 2013


Sa Yoshinoya…

Cashier: Drinks Sir?
Lon: (Habang umoorder) Hindi na. Pakidagdag na lang yung tubig.

Cashier: Ano po?
Lon: Tubig.
Cashier: Po?
Lon: Tubig, padagdag ng tubig.

Cashier: Ano po ulit yun?
Lon: Hmmmm… Wa… Water please! Please add water.
Cashier: Ahhhh ok po. Sige po serve na lang namin.

Naranasan na sa iba pang resto. Pero di ko pa din aabandunahin ang ating sariling wika!


THE LOST CLONE
November 30, 2013


Taxi Driver: Sir. Ikaw ba si Michael???
Lon: Ha? Sinong Michael?
Taxi Driver: Kapitbahay ko sa Bicol. Ganyan na ganyan ang hitsura e. Katawan saka buhok.
Lon: Ahhhh.. Teka, naaalala ko 2 taon nakalipas. Sumakay ako sa taxi na parang ito din at tinanong mo na ako ng ganyan na ganyan.

Taxi Driver: Ahhh. Oo nga! Parang ikaw nga yun. Pero si Michael kaibigan ko yun!
Lon: Basta hindi Michael ang pangalan ko kuya.
Taxi Driver: Bigtime yung si Michael at may facebook yun!
Lon: (Hayyy) Sige kuya pagsakay ko ulit dito sa susunod. Hula ko tatanungin mo ulit yan. Hahahaha!

Taxi Driver: Baka nga Sir! Haha!
Lon: Sige aabangan ko yan ha.

Tanong: Sino ba talaga yung Michael na yun? Isang misteryo ang bumabalot sa tagpong ito.


GHOST BARBER
January 1, 2014


Nung nagpagupit ako sa Barberya sa tapat ng Sementeryo kanina…

Lon: Ano yun kuya?
Barber: Anong ano yun?
Lon: May naririnig ako…..

Unknown: Kruukkgrhgrhghgh

Lon: Ayun! Ayun o!
Unknown: Wuuurhrhrhhrhgggg!
Barber: Huh!?

Lon: Parang nandun sa kurtina niyo!!!
Barber: Ayyy! Pasensya na sir! Ganyan talaga maghilik yung kasama naming yan!
Lon: Tuguduuum!


NANGANGALIWA*
June 4, 2014

Lon: Zzzz...
Taxi Driver: *plak* *plak* *plak*

Lon: (Nagising sa tunog) Ma, Bakit niyo sinasampal mukha niyo?
Taxi Driver: Antok na antok talaga ako.

Lon: (Kaya pala aalog alog yung andar) Diretso po tayo dyan.
Taxi Driver: San ba tayo?
Lon: Mandaluyong po.

Taxi Driver: Kaliwa ba tayo?
Lon: Wala naman lilikuang kaliwa dyan. Diretso lang kalsada.

Taxi Driver: Dito sa kaliwa? Dito ba?
Lon: Teka manong! Kaliwang lane?? Counterflow to!!! Nasa counterflow na tayo!


Legend: * Top 3 Taxi Stories