Tuesday, June 10, 2014

CURLY DRAKE’S
Compilation Block

The Urban Escapades

Makati-Mandaluyong Bridge, from Aksyon Aksaya segment below
Sari-saring istorya, iba-ibang tagpo. Kinuha sa taun-taong posts sa facebook ng may akdang si Curly Drake. Maki-relate at mag-enjoy. Lahat ng kwento ay pawang katotohanan at hindi biru-biruan.


THE UBER-PRICING
September 26, 2010

Sa sakayan ng Taxi sa Megamall
Taxi Driver: Boss, san kayo?
Lon: Dyan lang po sa may Mandaluyong City Hall.
Taxi Driver: Baka pwede P250 niyo na lang?
Lon: Sige… Sige… Sa jeep na lang ako sasakay!
Taxi Driver: P150 na lang Boss!
Lon: Asa ka!


ATIN ANG LANGHAP SARAP
October 8, 2010

Yung hangin sa taxi ay nakasusulasok.
Ngunit yung driver na nagpalabas ng hindi maipaliwanag na amoy ang naghahabol ng hininga.
Parang bibigay na siya, parang nagkasakit bigla sa puso.


AMNESIA
May 8, 2011

Sa loob ng FX…
Lon: Ma, pabuksan po yung aircon.
FX Driver: Sorry nakalimutan ko.

Matapos makapagbayad
Lon: Ma, sukli ko sa P50? P20 lang po bayad diba?
FX Driver: Sorry nakalimutan ko, teka gas muna tayo.

Maya-maya nakalimutan magpa-gas
FX Driver: Eto P20, mamaya na yung P10

Maya-maya pa
Lon: Ma, yung P10 ko po? Bababa na ko.
FX Driver: Diba sabi ko bigyan mo ako ng P10???
Lon: Ang labo… Ma, P50 minus P20 equals P30 po
FX Driver: O! Sige na sige na!
Lon: Para!

Sa Jeep…
Lon: Para.
Jeep Driver: Boss, bayad mo?
Lon: Ay! Sorry nakalimutan ko po.

Yun lang.. Nakakahawa pala!


TINGIN SINGKIT
May 20, 2011


Sa oras na sumasakay ako ng taxi, parating tinatanong ng driver ang nationality ko. Isa lang ito sa malalang tanong at kanina lang.

Taxi Driver: Boss, half-Pinoy – half-Chinese ka ano?
Lon: ---------
Taxi Driver: Tama po ba ako?
Lon: Ahh! Ano ho? Wala akong lahing Chinese.
Taxi Driver: Whoa!? Mukha kang Chinese e.
Lon: Waaaa! Manong, nakapikit lang kasi ako. Nakaka-antok, alas dose na e.


THE “WANDER”DOG
June 18, 2011

Napaka-weirdo na naman ng nasaksihan ko.

Aso na nagcocommute.
Pinahinto ang jeep na sinasakyan ko.
Pumasok at umupo sa dulo.

Buti na lang wala itong dalang perang pamasahe, kaya’t pinababa kaagad ng driver.
Kung meron siguro, baka mas lalo akong nagulantang.


CHOOSY TAXI VS TAXI BULLY*
December 15, 2011


Lon: Boss, McKinley po.
Taxi Driver 1: Dito lang ako sa Makati nagbibiyahe!
Lon: (Badtrip to a!) Sana jeep na lang pinasada mo!

Lon: Boss, McKinley po.
Taxi Driver 2: Hindi na.. (Sabay turo sa ibang direksyon)

Lon: Boss, McKinley po.
Taxi Driver 3: Sir, may susunduin pa po ako…

Lon: Boss, McKinley po.
Taxi Driver 4: (Umiling lang)

Napagdesisyunan na lang na lakarin ang Makati – Forbes, walang ma-parang taxi. Biglang nakakita ng walang laman.

Lon: Boss, McKinley po.
Taxi Driver 5: Hindi Sir. Pa-Mandaluyong ako
Lon: Pare-pareho kayo ha!!! Hindi!!! (Sabay sakay)

Lon: Ihatid mo ako sa McKinley! Ugali niyo ha!
Taxi Driver 5: Sir, padagdagan na lang.
Lon: Di pwede yung ganun! Ihatid mo ko! Problem???


ELECTRO DAW
May 11, 2012

May Special Powers daw si Manong Taxi Driver…
Nakaka-Electrocute daw siya ng pasahero niya…
Tatlong beses na daw siyang tinakbuhan dahil dun…

Parang tinatakot niya ako…
Kaya sabi ko sa kanya… May Special Powers din ako…
Kaya hindi niya ako ma-jojoketime ngayon…

Nagkahamunan… Pag-abot ng bayad… Walang kuryente!!!
Sino nanalo at bakit? Hahaha!


INSTANT BIBLE STUDY
May 11, 2012


Naging maayos ang takbo.
Sapagkat Bibliya ang sumasagot.
Sa lahat ng aking katanungan, na aking ibinato.
Dating Daan pala si Kuya Driver…


QUITS LANG!
July 20, 2012


Taxi Driver: Boss, saan kayo?
Lon: Taguig.
Taxi Driver: Mmmmmmedyo trapik dun.. Plus P20 na lang!
Lon: Hmmmmmmm….

Lon: Ayy teka! Basa yung sahig sa loob o! Minus P20!
Taxi Driver: ----------
Lon: Lugi pa din… Papara na lang ako ulit ng iba.


AKSYON AKSAYA*
August 24, 2012


Nabundol ng Taxi B ang Taxi A na sinasakyan ko.

Taxi Driver A: (Bumaba at kinausap si Taxi Driver B) Mali ka e!!! Bakit ka kumakanan, e pakaliwa ka!!!
Taxi Driver B: (Patay malisya) Kasalanan mo e!!
Taxi Driver A: Kitang-kita naman na ikaw ang bumangga!

Umalis bigla si Taxi Driver B

Taxi Driver A: HOOOOYYYY!!! Bumalik ka dito!!!

Taxi Driver A: Hahabulin ko to! Di ako papayag ng ganun!

Biglang ragasa ng takbo.

Lon: Teka! Teka! Sakay niyo pa ako e! Bababa na ko!

Nasa tulay pala.. Saan ako pupulutin pag bumaba ako?

Taxi Driver A: Loko to! Aabutan ko din to!!! (Hindi inintinding may pasahero pa siya)

Tuloy ang car chase sa Mandaluyong at hindi ko alam kung ano na?
Tatalon na ba ako palabas na parang action star?

Lon: Bababa na ko.
Taxi Driver A: Bayad mo boss???
Lon: Huh!!!! Problema ko nga pano ako sasakay ulit pauwi e!

Sumakay ulit, baka may lugar na mababaan.

Lon: Sige! Habulin niyo na ulit, sasakay muna ako dito. Hahanap ako ng ligtas na bababaan.

Lon: MANONG!!!! May Jeep!!!! Whew! Muntik na tayo mabangga!

Tuloy pa din ang car chase na para na akong hostage sa loob.
Taxi Driver A: San ka ba bababa? Teka cut-in ko lang to!
Lon: Sa simbahan na lang na madadaanan! (Sabay dasal)
Taxi Driver A: (Naabutan ang Taxi Driver B) Hoy!!! Ano na to?!?!?!
Taxi Driver B: ----------

Sa simbahan..
Lon: Balikan niyo ako dito, sige habulin niyo na lang mag-isa!!!
Taxi Driver A: OK! Dalian mo na!
Lon: OK! Bayaran po kita pagbalik mo dito.

Ang akala ng mga tao ay tinakasan ko ang driver.
Na-cut ni Taxi Driver A si Taxi Driver B, nabalin sa kanila ang atensyon ng mga tao.

Sa kasamaang palad.. Nakatakas na naman si Taxi Driver B at nagpatuloy ang habulan pa-Maynila.

Matapos ang sampung minuto, tuloy pa din ang car chase.
Lon: Uwi na ako. Wala na to! Whew! May tryke na dito.

Tanong: Ano ang nangyari? Nagkaubusan kaya ng gasolina? Ano ang ending? Sayang hindi ko nalaman…


SIRANG PLAKA
October 4, 2013

May butas ang gulong ng taxi ni Manong at siya ay kabado.

Taxi Driver: San ba kayo?
Lon: Mandaluyong po.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Malayo pa.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Medyo malayo pa.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Medyo.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Medyo malapit na.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Medyo.
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Dito na malapit
Taxi Driver: Malapit na ba?
Lon: Ayan. Dyan na po sa tabi. Ingat po kayo. Medyo delikado na sa biyahe niyan.

Paguwi ng bahay…
Malapit na ba?
Malapit na ba?
Malapit na ba?
Yun lang! May naririnig pa din, wala namang tao.. Antok lang to…


BARYADOR
October 13, 2013


Kanina sa Jeep…
Lon: Bayad po.
Jeep Driver: Baka may P8 ka na lang dyan?

Sa Dunkin Donuts…
Lon: Ate, bayad.
Ate: Sir, pahingi na lang po ng P3

Sa Breadtalk…
Lon: Miss, bayad ko po.
Cashier: Sir, baka may P7 ka dyan?

Sa Hypermarket…
Lon: Ate, bayad ko.
Cashier: Sir, may P5 kayo?

Sa Bus…
Lon: Boss, Coastal lang po.
Conductor: Pahingi ako P2 dyan.

Nagkataon lang siguro. O sige, magdadala na lang ako ng alakansya sa susunod.
Mukha siguro ako naghohoard ng barya…


TUBIG AT WIKA
November 25, 2013


Sa Yoshinoya…

Cashier: Drinks Sir?
Lon: (Habang umoorder) Hindi na. Pakidagdag na lang yung tubig.

Cashier: Ano po?
Lon: Tubig.
Cashier: Po?
Lon: Tubig, padagdag ng tubig.

Cashier: Ano po ulit yun?
Lon: Hmmmm… Wa… Water please! Please add water.
Cashier: Ahhhh ok po. Sige po serve na lang namin.

Naranasan na sa iba pang resto. Pero di ko pa din aabandunahin ang ating sariling wika!


THE LOST CLONE
November 30, 2013


Taxi Driver: Sir. Ikaw ba si Michael???
Lon: Ha? Sinong Michael?
Taxi Driver: Kapitbahay ko sa Bicol. Ganyan na ganyan ang hitsura e. Katawan saka buhok.
Lon: Ahhhh.. Teka, naaalala ko 2 taon nakalipas. Sumakay ako sa taxi na parang ito din at tinanong mo na ako ng ganyan na ganyan.

Taxi Driver: Ahhh. Oo nga! Parang ikaw nga yun. Pero si Michael kaibigan ko yun!
Lon: Basta hindi Michael ang pangalan ko kuya.
Taxi Driver: Bigtime yung si Michael at may facebook yun!
Lon: (Hayyy) Sige kuya pagsakay ko ulit dito sa susunod. Hula ko tatanungin mo ulit yan. Hahahaha!

Taxi Driver: Baka nga Sir! Haha!
Lon: Sige aabangan ko yan ha.

Tanong: Sino ba talaga yung Michael na yun? Isang misteryo ang bumabalot sa tagpong ito.


GHOST BARBER
January 1, 2014


Nung nagpagupit ako sa Barberya sa tapat ng Sementeryo kanina…

Lon: Ano yun kuya?
Barber: Anong ano yun?
Lon: May naririnig ako…..

Unknown: Kruukkgrhgrhghgh

Lon: Ayun! Ayun o!
Unknown: Wuuurhrhrhhrhgggg!
Barber: Huh!?

Lon: Parang nandun sa kurtina niyo!!!
Barber: Ayyy! Pasensya na sir! Ganyan talaga maghilik yung kasama naming yan!
Lon: Tuguduuum!


NANGANGALIWA*
June 4, 2014

Lon: Zzzz...
Taxi Driver: *plak* *plak* *plak*

Lon: (Nagising sa tunog) Ma, Bakit niyo sinasampal mukha niyo?
Taxi Driver: Antok na antok talaga ako.

Lon: (Kaya pala aalog alog yung andar) Diretso po tayo dyan.
Taxi Driver: San ba tayo?
Lon: Mandaluyong po.

Taxi Driver: Kaliwa ba tayo?
Lon: Wala naman lilikuang kaliwa dyan. Diretso lang kalsada.

Taxi Driver: Dito sa kaliwa? Dito ba?
Lon: Teka manong! Kaliwang lane?? Counterflow to!!! Nasa counterflow na tayo!


Legend: * Top 3 Taxi Stories

No comments:

Post a Comment