Friday, June 5, 2015

CURLY DRAKE’S
Compilation Block

Mga Dyahero sa Pasahero

Sa loob lamang ng dalawang araw ay may nakaengkwentro na naman akong mga ubod ng dugas na mga tsuper.

Normal na ito sa Pilipinas. Nakakainit ng dugo. Usapang pasahe lang, maliit na bagay sa iba, pero ang pagiging matapat na mamamayan ang usapin sa pagkakataong ito.

Papaano na lang kung talagang sakto ang bayad mo papauwi sa hirap ng buhay ngayon?

Maaaring oo hirap din sila sa buhay, ngunit hindi din naman tama na mandudugas ka para umunlad. 

Heto ang iilan lamang sa karanasan ko ngayon sa nakalipas na mga araw.

TOTOO O LOKO?


Bababa na sana ako at pinahinto na ang taxi

Lon: Kuya bayad ko (Nagbigay ng P120 at sadyang sakto din ang pera)
Taxi D: (Napatigil) Wala na pong -10 ngayon, nagtaas po ulit ang gas
Lon: Ahh ganun ba? Hindi ako nakanood ng balita (Sabay dagdag ng kung anong barya madukot sa wallet)
Taxi D: (Walang imik)

Kinabukasan, wala naman palang ganoong balita at aking napagtanto, naloko ako.

DITO O DOON?


Lon: Pasay po tayo
Taxi D: (Mag-Uu-turn)
Lon: Opps opps kuya diretso tayo, malayo dyan
Taxi D: (Naghang time) Dito tayo dadaan
Lon: Dito po tayo... diretso na mas malapit.
Taxi D: Gusto niyo sa Edsa na lang dumaan?
Lon: Dito nga po sa Airport ang daan
Taxi D: Sa Bayani Road na lang tapos C5?
Lon: (Dumidiskarte to, malayo gusto daanan para patak sa metro) Hindi kuya bababa na lang kami. Bababa na kami! 
Taxi D: Bakit?
Lon: Mas marunong pa kayo sa gusto daanan ng pasehero niyo e!

Ayun, sayang ang ipinila ni Kuya sa McKinley dahil sa kadugasan attempt niya

50 O 200?


Taxi D1: (Nagtanong habang nakaabang ako) Boss, san ka? 
Lon: Sa Mandaluyong po (sabay sabi ng address ko) 
Taxi D1: Saan yun?
Lon: Dun po sa ano.. turo ko po sa inyo (Nagmamaang maangan ata to a)
Taxi D1: O sige i-plus 50 mo na lang.. Tara na.
Lon: Huh? Plus 200 na lang kuya. nabababaan ako sa tawad mo e (habang palayo) Ano 200? 200?
Taxi D1: (Nakatunog ata at parang naoffend sa sinabi ko) Ayy hindi hindi na tara na wala na dagdag.
Lon: (Sabay para sa kasunod na taxi) 
Taxi D2: Bakit ano yun? Di ka pinara? 
Lon: Naniningil ng sobra sobra e +50 daw. Teka kuya ihinto mo po sandali may sasabihin lang ako sa kanya
Taxi D2: Bakit? ano yun? 
Lon: Bigyan ko lang ng greeting!

Lon: Boss!!! (Tinawag si Taxi D1)
Taxi D1: (Napatingin ang mandurugas)
Lon: (Habang nasa kabilang taxi, binuksan ang bintana) Boss!!! Plus 200 gusto mo?
Ano 200? 200?
Taxi D1: ... (Walang imik at pinagtitinginan ng tao, nagtataka at mukhang tatanungin siya ng mga iyon)

10 MO O RESIBO?


Lon: Dito na lang po ako bababa sa kanto lang po, kuya may resibo po kayo, saka may 10 pesos po kayo? (Dahil masyado sobra ang maibabayad)
Taxi D: (Angas mode) Kapag may -10 yan di kita issuehan ng resibo (Angas mode)
Lon: (Sobra pa nga yung ibabayad ko pag nagbigay siya ng sukli) Ano gagawin ko? 
Taxi D: (Nagmamatigas) ... (Nakatingin lang sa labas at hawak ang resibo)
Lon: E ano nga gagawin ko? 
Taxi D: Masyado ka namang ano, akin na akin na
Lon: Hoy! Pasahero mo ako ha parang binabastos mo ko ha. Maaangas na kayong mga taxi driver kayu ah! (sabay baba at hindi sinara ang pintuan)

Tumayo ako sa kanto at tinititigan siya (advantage teritoryo ko pala) 

Taxi D: (ngiwi at pinaatras ang sasakyan) 


Bonus (Jeep mode)

SUKLI O MALI?


Sa inaraw araw na nagbabayad ako ng P8. Walang isinusukli ang karamihan sa mga tsuper ng jeep na puno ng integridad.
Sa maliit na 50 sentimos lang ay natutukso na silang kurakutin, paano pa kaya sa pamahalaang mas malaki ang usapan sa pera?
Pero back to jeepney mode.

Lon: Sukli ko kuya?
Jeep D: Magkano ba binigay mo?
Lon: Otso. yung 50 cents ko? 

(Magmumukha akong walang patawad sa sentimos, pero hindi, pagiging mabuting mamamayan ang usapan dito. May 50 cents siya sa lalagyan niya, 
bakit hindi manukli ng tama?)

At sa 4-6 sakay ako araw araw. Bilangin sa isang taon kung magkano ang mabibigay mo sa mga madadayang ito?

Jeep D: May 50 cents ka? (Galit pa magtanong)
Lon: Edi sana 7.50 binigay ko kuya. suklian niyo naman kami ng tama.


Tsk tsk.. Dugas mode kahit sa pinaka maliit na unit ng lipunan sa bansa natin. Walang disiplina talaga. Nakakalungkot na kung sa ganito kaliit lamang ay nagkakaganito na.. 

Papaano nga ba talaga kung sa pamahalaan na ang usapan? Malakihang pera ang usapin doon.

Ngayon, maniniwala at magtitiwala pa ba tayo sa mga katulad nila?


No comments:

Post a Comment