Sunday, September 21, 2014

CURLY DRAKE’S
Poem Page



SILANG MGA NAMAMAHALA
Maikling Tula para sa mga Kilala mong Kurakot ng Lipunan
(ni: Kapitan Tago)

Chorus:

 Para sa mga namamahala,
Asa kang hindi namin halata(2x)

I

At kung pamamahala mo'y napupuna,
Itatapon mo sila gamit pulitika,
Hindi ka naman talaga magaling,
Ngunit alipores mo sadyang humaling.
(Chorus)

II

Hindi patas ang pagtingin sa lipunan,
Lahat ng isip-tama ay iyong kalaban,
Saan ka kaya pupulutin?
Si karma pa yata iyong hahabulin.
(Chorus)

III

At ikaw, kilala kita,
Magaling lang din na mang-sita,
Pribado o pampublikong opisina lang ata ang buhay mo,
Ayan ba ang ituturo mo sa pamilya mo?
(Chorus)


Repeat Chorus